6 pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19

May napaulat na anim pang bagong nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 25, umakyat na sa 10,430 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 78 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,999 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nanatili naman sa 6,645 ang bilang ng mga gumaling na overseas Filipinos o na-discharge na sa ospital.

Nananatili din sa 786 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,074 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,178 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 808 naman ang kaso sa Americas at 1,370 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

 

 

Read more...