Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, sa 526 na mga pasyente na napagkalooban ng convalescent blood plasma, 429 ang naka-recover na.
Nagpapakita ito ayon kay Domingo ng “good results” sa experimental treatment ng COVID-19.
Ayon kay Domingo, kailangan pa din ng dagdag na mga pag-aaral para matukoy kung talagang nagagamot ng blood plasma ang COVID-19.
Ang Plasma ay liquid component ng dugo na nagtataglay ng antibodies na nakatutulong para palakasin ang immune response laban sa bacteria at viruses.
Sa ngayon, 17 ospital ang pinapayagan ng FDA na mag-administer ng convalescent plasma sa mga COVID-19 patients.
MOST READ
LATEST STORIES