3,753 na Pinoy mula Qatar nakauwi na sa bansa

DFA FILE PHOTO

Umabot na sa 3,753 na Pinoy mula sa Qatar ang naisailalim sa repatriation simula noong buwan ng Hunyo dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Philippine Ambassador Alan Timbayan, nakapag-facilitate na ang embahada ng 12 repatriation flights.

Kasama ding naiuwi ang mga labi ng ilang Pinoy na pumanaw dahil sa COVID-19.

Mayroong nasa 241,000 na overseas Filipino workers sa Qatar.

Marami pa rin namang OFWs doon ayon kay Timbayan ang piniling manatili at marami na rin ang nakabalik na sa kanilang trabaho.

 

 

 

 

Read more...