Mayor sa Negros Occidental at kaniyang asawa nagpositibo sa COVID-19

Kapwa nagpositibo sa COVID-19 ang isang alkalde sa isang bayan sa Negros Occidental at ang kaniyang asawa.

Agad sumailalim sa self-quarantine si Pontevedra Mayor Jose Maria Alonso at ang asawa niyang si Mary Gerardine nang makaranas ng lagnat.

Noong Miyerkules ay nagpasailalim sa swab test ang alkalde at siyam na iba pang kasama sa bahagi, kabilang ang kaniyang asawa, mga anak at biyenan.

Sinabi ng alkalde na Huwebes (Sept. 24) ng umaga niya nalaman na positibo siya sa COVID-19.

Maayos naman ang kondisyon sa ngayon ng alkalde.

 

 

 

Read more...