Sa inilabas na pahayag sinabi ng QC na may pagbabago sa paraan ng paglalahad ng datos sa tulong ng OCTA Research patungkol sa mga kaso ng COVID-19.
Ang mga report na lalabas linggu-linggo at kada dalawang linggo ay magpapakita ng mas komprehensibong datos at kabuuang trend ng COVID-19 sa lungsod.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat ng residente na basahin at unawain ang mga report upang mas maintindihan ang paliwanag sa mga kaso.
Maari pa rin namang makita ang daily COVID-19 case update ng bawat barangay sa website na https://quezoncity.gov.ph/index.php/covid-updates/item/1177-covid-19-cases-as-of-september-24-2020
Sa pinakahuling datos, ang QC ay mayrong kabuuang 18,063 na kaso ng COVID-19 na validated na ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.
3,049 na lang ang aktibong kaso, 14,485 ang gumaling at 529 naman ang pumanaw.