Final girder ng Skyway Stage 3 project ikinakabit na

Kumpiyansa si Public Works Secretary Mark Villar na matatapos ngayong taon ang Skyway Stage 3 Project.

Ang naturang proyekto ay magdurugtong sa NLEX at sa SLEX kaya inaasahang makaluluwag din ito sa daloy ng traffic sa EDSA.

Ngayong umaga nagsagawa ng inspeksyon si Villar sa Skyway Stage 3.

Sinabi ni Villar na inilalagay na ang final girder sa kalsada.

Ayon sa kalihim, sa Disyembre ay inaasahan nilang tapos na ang proyekto.

Sa sandaling mabuksan ang kalsada, magiging 30 minuto na lang ang travel time mula NLEX hanggang SLEX.

 

 

 

Read more...