Residential area sa QC nasunog

(UPDATE) Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Brgy. Mariblo sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Fire Department, umabot sa 2nd alarm ang sunog na nagsimula sa bahagi ng San Joaquin St.

Pasado alas 9:00 ng umaga ngayong Biyernes, Sept. 25 nang magsimula ang sunog.

Naideklara namang fire out ang sunog alas 10:15 ng umaga.

Inaalam na din kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

 

Read more...