Palauig, Zambales niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Zambales.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 68 kilometers southwest ng bayan ng Palauig, alas-7:58 umaga ng Biyernes (September 25).

May lalim na 24 kilometer at tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...