Globe at Converge customers hindi apektado ng emergency maintenance ng AAG

Tiniyak ng Globe Telecom at ng Converge na hindi maaapektuhan ang kanilang customers sa gagawing emergency maintenance ng Asia-America Gateway (AAG).

Sa inilabas na abiso ng Globe, tuloy ang kanilang serbisyo kaya walang dapat na ipag-alala ang kanilang customers.

Sa hiwalay na abiso, sinabi ng Converge na walang epekto sa kanilang serbisyo ang gagawing maintenance.

Ayon sa Converge mayroon silang sapat na international capacity sa multiple submarine cable systems na naka-link sa Singapore, Hong Kong, Taiwan at USA.

 

 

Read more...