Opisyal ng marine transportation service sugatan sa pananambang sa Maynila

Nasugatan ang opisyal ng marine transportation service makaraang tambangan sa Maynila.

Lulan ng kaniyang AUV ang biktima nang pagbabarilin ng salarin sa bahagi ng Road 10 kanto ng Mel Lopez Blvd.

Agad naisugod sa ospital ang biktima.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Manila Police sa insidente.

Isa sa anggulong tinitignan ay ang may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang pananambang.

Maliban sa pagiging operations manager ay mayrooon din siyang pag-aaring barko.

 

 

Read more...