Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (September 24, 3:00 PM) nakapagtala ng 726 na bagong kaso kaya pumalo na sa 36,238 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 9,728
Laguna – 11,679
Batangas – 6,232
Rizal – 6,869
Quezon – 1,730
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 17,042.
Nasa 18,337 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 374 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 5,196
Laguna – 6,262
Batangas – 3,356
Rizal – 2,381
Quezon – 1,142
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na sa 859 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 214
Laguna – 211
Batangas – 157
Rizal – 220
Quezon – 57
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay