Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 8,679 na

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Huwebes, September 24, 12NN), 8,679 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 214 na.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 2,767.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 11,660.

Samantala, nasa 5,739 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

 

 

 

Read more...