COVID-19 cases sa Eastern Visayas, lagpas 4,400 na

Nadagdagan ng 53 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 900 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (September 24), 4,419 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 633 o 14.32 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 3,745 o 84.75 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nanatili naman sa 41 ang mga residenteng nasawi o 0.93 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...