Magnitude 3.6 na lindol tumama sa Cateel, Davao Oriental

Naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa isang bayan sa Davao Oriental.

Sa datos na inilabas ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 11 kilometers Southeast ng Cateel bandang 11:49 ng gabi.

Tectonic ang origin ng lindol at 27 kilometers ang lalim nito.

Gayunman, wala namang napaulat na pinsala sa naturang bayan.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...