Valencia, Negros Oriental nakaramdam ng magkasunod ng lindol

Tumama ang dalawang magkasunod na lindol sa Valencia, Negros Oriental Huwebes ng gabi.

Sinabi ng Phivolcs na unang yumanig ang magnitude 4.4 na lindol sa layong 17 kilometers West ng naturang bayan dakong 10:16 ng gabi.

Isang kilometro ang lalim nito.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 4:
– Valencia at Sibulan, Negros Oriental

Intensity 3:
– Dumaguete City

Intensity 2:
– Bacong at Daulin, Negros Oriental

Samantala, sunod na tumama sa kaparehong bayan ang magnitude 3.3 na lindol dakong 10:17 ng gabi.

Namataan ang episentro ng ikalawang pagyanig sa layong 8 kilometers Northwest ng Valencia.

Tatlong kilometro ang lalim ng pagyanig.

Kapwa tectonic ang origin ng dalawang lindol.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala matapos ang magkasunod na pagyanig.

Read more...