Central Visayas, mayroon ng 17,767 na COVID-19 recoveries

Nagkaroon pa ng 101 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 24, 20,672 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,650 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 85 ang bagong gumaling kung kaya 17,767 na ang COVID-19 recoveries.

Umabot naman sa 1,255 ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...