25 pang residente sa Navotas City, gumaling sa COVID-19

Nasa 11 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (September 24), umakyat na sa kabuuang 4,835 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 242 ang aktibong kaso o katumbas ng 5 porsyento.

25 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,457 na ang total recoveries o 92.2 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Umakyat naman sa 136 ang pumanaw o 2.8 porsyento.

Read more...