260 pang kaso ng COVID-19, nadagdag sa Western Visayas

Nagpositibo ang 260 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 24, umakyat na sa 10,234 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

3,699 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 69.94 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

234 naman ang gumaling pa kaya 6,327 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 208 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...