52 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio City

Nasa 52 pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (September 24), umabot na sa 681 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Apat naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 404 na ang total recoveries sa Baguio City habang 12 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 2,284 ang aktibo habang 3,181 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 9,205 na residente habang 19,087 ang nakatapos na.

Read more...