Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magkasunod na lindol

(UPDATED) Niyanig ng dalawang lindol  ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang pagyanig sa 133 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-6:31 gabi ng Huwebes (September 24).

May lalim na 15 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Makalipas ang halos 30 minuto, tumama ang isa pang magnitude 3.1 na lindol sa layong 1334 kilometers Southeast ng kaparehong bayan dakong 7:04 ng gabi.

12 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic din ang origin.

Hindi naman nagdulot ng pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks ang dalawang pagyanig.

 

Read more...