Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, madali na kasing nagtago ngayon ng ill gotten wealth.
Halimbawa na rito ang pagkukunwari ng simpleng pamumuhay, paggamit ng mga dummy na bank accounts para lamang maitago ang mga nakaw na yaman.
“Well, ako po, as a lawyer ‘no, mukhang tama po si Ombudsman kasi napakadali pong magtago ng ill-gotten wealth. Siguro may mga panahon na the corrupt ones will flaunt it. Pero times have changed, ngayon they could live modest lives, even they could use dummies for their bank deposits and can pretend to have modest lives even if they have trillions and billions of ill-gotten wealth,” ayon kay Roque.
Mas mahalaga ayon kay Roque na tutukan ang anti-money laundering law dahil ito ang pinakamabisang paraan kung maju justify ng isang empleyado ang kanyang yaman.
Pero ayon kay Roque may mga kurakot talaga na walang hiya at ibinibida pa ang mga nakaw na yaman.