Miami Heat naitala ang ikatlong panalo sa NBA Eastern Conference Finals

Tinalo ng Miami Heat ang Boston Celtics sa Game 4 ng NBA Eastern Conference Finals.

Sa score na 112 – 109 ay naitala ang ikatlong panalo ng Miami Heat laban sa Celtics.

Sinubukan pang humabol ng celtics sa 3rd quarter pero muling lumamang sa 4th quarter ang Heat.

Nakapagtala ng 37 points si Tyler Herro, habang 24 points naman ang naiambag ni Jimmy Butler.

Dahil sa tagumpay, isang panalo na lang ang kailangan ng Heat para makapasok sa NBA Finals.

 

 

 

Read more...