Gabby Lopez III nagbitiw na sa ABS-CBN

Nagbitiw sa pwesto bilang chairman emeritus ng ABS-CBN Corporation si Eugenio “Gabby” Lopez III.

Personal na dahilan ang binanggit ni Lopez sa kaniyang pagbibitiw.

Nagbitiw na rin si Lopez bilang director ng sa ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation, at Rockwell Land Corporation.

Effective immediately ang pagbibitiw ni Lopez.

Nagpasalamat si Lopez sa tiwala ng mga stockholder at mga kapwa niya opisyal ng network.

Sa ginawang organizational meeting ngayong araw, tinanggap ng board of Directors ang resignation ni Lopez.

 

 

 

Read more...