Global death toll sa COVID-19 mahigit 981,000 na

Sumampa na sa 981,923 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, sumampa na sa 206,593 ang bilang ng mga nasawi sa US.

Umabot naman na sa mahigit 139,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

ng death toll sa India ay mahigit 91,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 74,000.

Umabot naman na sa mahigit 23.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.4 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 206,593
Brazil – 139,065
India – 91,173
Mexico – 74,949
UK – 41,862
Italy – 35,758
France – 31,459
Peru – 31,870
Spain – 31,034
Iran – 24,840

 

 

Read more...