Iloilo City isinailalim sa GCQ

Isasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Iloilo City simula ngayong araw Sept. 24 hanggang sa susunod na 15-araw.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, habang nasa ilalim ng GCQ ang lungsod, ipatutupad ang liquor ban.

Iiral din ang curfew mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng hapon.

Dodoblehin din ang paghihigpit sa mga pantalan.

Ipagbabawal din ayon sa alkalde ang pagsasagawa ng face to face conference at training.

Ang Iloilo City ay mayroong 436 na aktibong mga kaso ng COVID-19.

 

 

 

Read more...