Global cases ng COVID-19 mahigit 32 million na

Umabot na sa mahigit 32 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Huwebes (Sept.24) ay 31,763,628 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 280,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 33,400 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 89,600 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 29,500 na mga kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 7,139,553
India – 5,730,184
Brazil – 4,627,780
Russia – 1,122,241
Colombia – 784,268
Peru – 782,695
Mexico – 710,049
Spain – 693,556
South Africa – 665,188
Argentina – 664,799

 

 

Read more...