Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.8 na pagyanig sa 99 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-8:38 umaga ng Huwebes(September 24) at may lalim na 1 kilometer.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Nauna ng nakapagtala ng magnitude 3.2, 3.0 at 5.1 kaninang alas-2:12 at alas-3:18 ng madaling araw at alas-6:19 umaga.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na lindol sa lugar noong September 21.
MOST READ
LATEST STORIES