Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Muling niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4.2 na pagyanig sa 423 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani alas-9:34 umaga ng Huwebes(September 24).

May lalim na 31 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

Read more...