STL operations pinayagan na sa ilan pang mga lugar

Nadagdagan pa ang mga lugar kung saan pinapayagan na ang pagkakaroon ng STL operations.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), simula kahapon, Sept. 23, 2020 ay nag-resume na ang STL operations sa anim pang lalawigan.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:

– Abra (D’Oro Tigre Corporation)
– Ilocos Sur (S GRande Corp.)
– Surigao Del Sur (Sweeteva Online gaming & Amusement Corp.)
– Davao del Sur (Provident Marketing and Mobile Enterprises Inc.)
– Cotabato City (Provident Marketing and Mobile Enterprises Inc.)
– Olongapo City (Golden Matrix Gaming & Amusement Corp.)

Noong Sept, 16, 2020 ay nauna nang nakapag-operate ang STL sa:

– Nueva Ecija (King’s 810 Gaming Corp.)
– Ilocos Norte (Lucky Pick Amusement & Development Inc.)

Ang STL operations sa mga lugar na hindi nabanggit ay mananatiling suspendido ayon sa PCSO.

 

 

 

Read more...