Lockdown sa isang compound sa Molino 3, Bacoor City pinalawig pa

Pinalawig ng isang linggo pa ang umiiral na lockdown sa Nazareth Compound sa Barangay Molino 3, Bacoor City.

Sa abiso ng Bacoor City Government, tatagal pa hanggang sa October 1, 2020 ang lockdown.

Ito ay makaraang apat pang residente ang magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang ang ikalawang round ng swab mass testing sa nasabing lugar.

Ang Brgy. Molino 3 ay mayroong 295 na total confirmed cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang 76 ang active cases.

Ang Bacoor City ay mayroong 479 na active cases ng COVID-19.

1,685 naman ang mga gumaling na at 76 ang pumanaw.

 

 

Read more...