Tom Cruise lilipad patungong outer space sa susunod na taon

Magtutungo sa outer space ang hollywood actor na si Tom Cruise.

Sa Tweet ng Space Shuttler Almanac, sinabing si Cruise ay lilipad para sa isang “tourist mission” sa suusnod na taon.

Nakasaad sa tweet na ang paglipad ni Cruise patungong outer space ay sa tulong ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) at ng Space X – Elon Musk.

Una nang kinumpirma ni NASA admnistrator Jim Bridenstine na gagawa ng pelikula ang aktor habang lulan ng International Space Station.

Noong taong 2013 ay gumanap na bilang astronaut si Cruise sa pelikulang “Oblivion”.

 

 

Read more...