Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 6,035

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, September 22), nadagdagan ng 135 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 6,035.

Sa nasabing bilang 1,134 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nasa 274 kung saan 1 ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 7,443 na.

Read more...