Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 8,148 na

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Miyerkules, September 23, 12NN), 8,148 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 213 na.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 3,013.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 11,374.

Samantala, nasa 5,729 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

Read more...