Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.2 at 3.0 na lindol

Dalwang pagyanig ang naitala sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 96 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-2:12 madaling araw ng Huwebes(September 24) at may lalim na 1 kilometer.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5,7 na lindol sa lugar noong September 21.

Sumunod na naitala ang magnitude 3.0 na lindol sa 90 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Bayabas, alas-3:18 ng madaling araw at may lalim na 1 kilometer.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...