Central Visayas, nakapagtala ng 62 na kaso ng COVID-19

Nagkaroon pa ng 62 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 23, 20,571 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,640 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 39 ang bagong gumaling kung kaya 17,682 na ang COVID-19 recoveries.

Umabot naman sa 1,249 ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...