Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Miyerkules ng umaga (September 23).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,567,456 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 88.46 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,383,549 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,131,145 naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,800,036.
Umabot naman sa 7,751,574 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,816,681 sa Senior High School.
Nasa 1,740,738 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 386,629 sa Alternative Learning System.
71,798 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.