103 pang COVID-19 cases, naitala sa Eastern Visayas

Nadagdagan ng 103 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,016 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Naitala ang mga bagong kaso sa Tacloban City, Leyte at Samar.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (September 23), 4,366 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 635 o 14.54 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 3,690 o 84.52 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

41 namang residente ang nasawi o 0.94 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...