484 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

Umabot sa 484 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Martes ng hapon (September 22), hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (September 23).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 243 kung saan 118 ang adult habang 125 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito na umabot sa 212.

21 naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Read more...