Kaso ng COVID-19 sa Navotas City, nadagdagan pa

Nadagdagan ng pito ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 23), umakyat na sa kabuuang 4,823 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 256 ang aktibong kaso o katumbas ng 5.3 porsyento.

19 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,432 na ang total recoveries o 91.9 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 135 o 2.8 porsyento ang COVID-19 related deaths sa lungsod.

Read more...