Pangasinan, niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Pangasinan, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, nilindol ang 51 kilometers Northwest ng Bolinao.

Naramdaman ang pagyanig bandang 7:58 ng gabi.

11 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, wala namang napaulat na pinsala sa mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...