Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 23, umakyat na sa 10,419 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 78 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,005 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala namang bagong gumaling kung kaya 6,629 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, anim naman ang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, 785 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,068 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,177 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 808 naman ang kaso sa Americas at 1,366 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.