Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang bahagi ng Metro Manila at ilang parte ng Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 3:41 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila partikular sa Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Quezon City, Mandaluyong at Pasay.

Maaapektuhan din ang Rodriguez, San Mateo, Antipolo, Cainta, Taytay at Angono sa Rizal; Doña Remedios Trinidad, Calumpit, Pulilan sa Bulacan.

Uulanin din ang San Luis, San Simon, Apalit, Macabebe, Minalin at Mabalacat sa Pampanga; Ramos, Anao, Moncada, Paniqui, Gerona, Santa Ignacia at San Jose sa Tarlac; Santa Cruz, Cabangan, San Narciso, Subic at San Felipe sa Zambales.

Kaparehong lagay din ng panahon ang iiral sa Morong, Bataan; General Mamerto Natividad, General Tinio sa Nueva Ecija; Tanauan, Malvar, Balete at Talisay sa Batangas.

Makararanas din ng pag-ulan ang Calamba, Cabuyao sa Laguna; Lucban, Tayabas, Sampaloc, Pagbilao, Lucena at Sariaya sa Quezon; Tagaytay sa Cavite.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...