Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 4.2 at 3.1 na lindol

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.2 na pagyanig sa 19 kilometers northwest ng bayan ng Cataingan, alas-12:05 tanghali ng Miyerkules(September 23) at may lalim na 24 kilometers

Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.1 na pagyanig sa 23 kilometers northwest ng bayan ng Cataingan, alas-12:09 ng tanghali at may lalim na 15 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol sa lugar noong August 18.

 

 

Read more...