Denver Nuggets nakabawi sa Game 3 ng NBA Western Conference Finals

Wagi ang Denver Nuggets sa Game 3 ng NBA Western Conference Finals.

Tinalo ng Nuggets ang Los Angeles Lakers sa score na 114-106.

Dahil dito naitala ng Nuggets ang unang panalo sa serye, habang may dalawang panalo na ang Lakers.

Nagpakawala ng 28 points si Jamal Murray, habang 26 points naman ang naiambag ni Jerami Grant.

Sa Biyernes, Sept. 25 ang Game 4 sa pagitan ng Lakers at Nuggets.

 

 

Read more...