Ayon sa dating lider ng Kamara kung siya lang ang masusunod, ayaw nito na magalaw ang mga posisyon sa Kamara.
Sa kanyang pananaw, “divisive” ang kasunduan na kaya kung maari ay dapat na patapusin na lamang si Cayetano sa pagigign lider ng Kamara ng hanggang 2022.
Sakaling matuloy ang term-sharing agreement, sinabi ni Alvarez na magiging mahirap lamang para kay Velasco na pamunuan ang Kamara dahil sa susunod na taon ay filing na rin ng certificates of candidacy.
Gayunman, nilinaw ni Alvarez na wala siyang pinapanigan sa pagitan nina Cayetano at Velasco.
Sa kanilang gentleman’s agreement, si Cayetano ay uupo bilang House Speaker sa loob ng 15 buwan ng 18th Congress at papalitan siya ni Velasco sa nalalabing 21 buwan o hanggang 2022.
Kung masusunod ang kasunduan, matatapos ang termino ni Cayetano bilang lider ng Kamara sa darating na Oktubre.
Magugunita na umupo bilang House Speaker si Alvarez sa first at second regular session ng 17th Congress o mula 2016 hanggang 2018.
Kalaunan ay napatalsik siya sa pamamagitan ng coup d’etat na ikinasa ng kanyang mga kapwa mambabatas sa araw mismo ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte noong Hulyo 2018.
Pinalitan siya ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.