Outgoing US Ambassador Sung Kim nagpasalamat kay Foreign Affairs Sec. Locsin

Sa kaniyang nalalapit na pag-alis sa pwesto, pinasalamatan ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr.

Ayon kay Kim, karangalanang makatrabaho niya si Locsin, at lahat ng naging Philippine partners nila.

Kahapon, nagpaalaman na sina Locsin at Kim.

Si Kim ay magsisilbi nang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng US sa Indonesia.

Sa kaniyang panig pinasalamatan ni Locsin si Kim sa pagtitiyak nito ng Philippines-US Alliance sa ilalim ng kaniyang panunungkulan.

Kabilang dito ang pagkakabalik sa bansa ng Balangiga bells, at suporta ng US sa Modernization Program ng AFP.

 

 

 

Read more...