Ang mapipiling aplikante mai-aadmit bilang regular cadets sa USCGA at makatatanggap ng financial assistance para maipangtustos sa tuition fees, monthly payments, allowances, accommodation at transportation costs.
Sa sandaling makapagtapos na, ang kadete ay magiging regular commissioner officer na ng Philippine Coast Guard na may ranggong “ensign”.
Required din silang sumailalim sa minimum na walong taon na tuluy-tuloy na active service.
Para sa iba pang impormasyon, maaring bisitahin ang website ng PCG sa https://bit.ly/32UCwUB
Ang deadline sa pagsusumite ng unang requirement partikular ang resulta ng Scholastic Aptitude Test (SAT) o American College Testing (ACT) ay sa Dec. 28, 2020.