Global death toll sa COVID-19 mahigit 974,000 na

Sumampa na sa 974,546 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, sumampa na sa 205,448 ang bilang ng mga nasawi sa US.

Umabot naman na sa mahigit 138,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 90,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 73,000.

Umabot naman na sa mahigit 23.3 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.4 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 205,448
Brazil – 138,159
India – 90,021
Mexico – 73,697
UK – 41,825
Italy – 35,738
France – 31,416
Peru – 31,474
Spain – 30,904
Iran – 24,656

Read more...