Eroplanong sinasakyan ni US VP Pence nag-emergency landing dahil sa bird strike

Ilang saglit matapos mag-take off muling bumalik sa New Hampshire, Manchester Airport ang Air Force 2 lulan si US Vice President Mike Pence.

Ito ay makaraang makaranas ng bird strike ang naturang eroplano.

Ligtas namang nakalapag sa Manchester Airport ang eroplano at wala ring nasaktan sa mga sakay nito.

Ligtas ding nakabalik si Pence sa Washington matapos ang dinaluhang event.

 

 

 

Read more...