93 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng 93 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 4,263 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Umabot naman na sa 3,630 ang mga gumaling sa sakit at 592 na lang ang aktibong kaso.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Leyte, Southern Leyte, Samar, Eastern Samar at Northern Samar.

 

 

Read more...